Sunday, July 4, 2010

Panitkan

citations to Rollie Abastillas

Panitikan

“ Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga kaisipan at damdamin ng tao hinggil sa mga bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayanng kaluluwa sa Bathalang lumikha.”

- Panganiban

“ Ang panitikan ay salamin ng lahi. Masisinag sa panitikan ang mga karanasan ng isang bansa, ang mga

kaugalian, paniniwala, mga tradisyon, pangarap at mga lunggatiin ng isang lahi.”

- Bisa

Totoong ang buhay ng tao ay puno ng talinghaga. Nababalutan ito ng iba’t ibang pangyayari na

madalas ay hindi inaasahan, gayon pa man, dahil sa likas na matalino ang tao, nagawa niyang harapin ang at bigyan ng kulay at kahulugan. Kaya nga kahit masaklap man o maganda ang magiging bunga ng mga karaasang ito, itinuturing na lamang niyang bahagi ito ng lumipas na magsisilbing aral sa kanyang pakikihamok sa buhay sa kasalukuyan at sa darating na bukas. Upang lalong mabigyan ng kahulugan ang buhay ng tao na mapapanatili sa isipan at damdamin ang mga bakas na ito ng nakaraan. Ngunit hindi lamang dapat na manatili ang mga ito sa kanyang alaala. Pilit na nagpupumiglas ito upang ipahayag, pasalita man o pasulat sa isang pamamaraang masining at may estilo. Bunga nito ay ang panitikan na nagsasalaysay ng buhay , pamumuhay lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba.

DALAWANG ANYO ng PANITIKAN

May dalawang anyo ng papapahayag sa pampanitikan: ang patula at ang tuluyan.

A. Patula – ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga maanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng bawat taludtod sa mga saknong.

B. Tuluyan o Prosa- ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa pangungusap. Isinaalang-alang dito ang pagkamalikhain at estilo ng may-akda.

Mga Uri ng Panitikang Patula

Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga piling salita na maaaring may sukat, tugma, talinghaga at kariktan at maaari rin namang wala.

May tatlong uri ng tula:

1. Tulang pasalaysay. Tulang may sukat at tugma. Ang layunin ay magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay, pag-ibig at pakikipagsapalaran ng bayani o mga

tauhan sa paraang patula.

Ang mga epiko at awit at korido ( metrical romance) ay nasa uri ng tulang pasalaysay. Ang epiko ay tulang pasalaysay na ang mga pangyayari ay tungkol sa pakikipagsapalaran, kabayanihan, at katapangan ng bayaning tauhan na nagtataglay ng mga di-kapani-paniwalalang kakay ahan ngunit nakapapag-iiwan ng aral at magandang halimbawa sa mambabasa. Ang awit at korido o “ metrical romance” ay tulang pasalaysay din na maaaring totoo at hindi sa totoong buhay.Ang mga pangyayari ay hinango sa buhay ng mga reyna, hari, prinsepe at iba pang mga dugong mahal. Ang paksa ay karaniwang paghihiganti,pagtatagisan ng talino at tapang , pananampalataya, pag-ibig at pagtulong sa kapwa. Maaaring may mga pangyayaring di-kapani-paniwala.

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Arsenio Manuel, ang mga epiko ay mauuri sa tatlo.

1. Microepic ang tawag niya sa mga epikong kumpleto sa kanyang sarili. Maikli

at natatapos basahin sa isang upuan lamang. Ang halimbawa nito ay ang Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano.

2. Macroepic naman ang epikon kung ipinakikita lamang nito ay isang particular na bahagi, nag-iisang awit. Halimbawa nito ang Tuwaang ng mga Bagobo.

3. Mesoepic ang mga epikong may masalimuot na insidente tulad ng Labaw Donggonan ng mga Bisaya.

Ang ibang palaaral ay inuuri sa dalawa ang epiko batay sa pananampalataya. Batayan daw ng ganitong pag-uuri ang katotohanang may mahalagang tungkuling ginagampanan ang relihiyon sa panitikan ng bawat bansa. Sa mga epiko ay nababakas ang uri ng rehiyon ng manunulat. Kung Kristyano ang sumulat, nababakas sa epiko ang paniniwalang Kristyano, maaaring sa mga pangalan ng tauhan o kaya ay sa mga pangyayaring inilalarawan. Ang dalawang uring ito ng epiko ay:

1. Epiko ng mga Kristyano

Ang Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg ng mga Ilokano ay inuring epiko ng

Kristyano. Ayon sa mga ulat na nababasa, ito ay unang nasulat sa wikang Samtoy noong 1640 at sinasabing binubuo ng 1000 taludtod. Si Isabelo de los Reyes ang nagsalin nito sa Kastila sa anyong tuluyan. Nalathala ito sa El Folkorico Filipino noong 1890. Sinasabing ang pinakamahabang bersyon ng Lam-ang ay nalimbag sa Calasiao, Pangasinan. Ito ay may 1,200 taludtod.

Ang Labaw Donggon ng mga Bisaya ay kasama rin sa uring ito.

2. Epiko ng mga Di-Kristyano

Ang mga Ipugaw ay nabibilang sa pangkat ng mga di Kristyano. Dalawang epiko ng mga Ipugaw ang kilalang-kilala. Ang Hudhud at Alim.

Ang Hudhud ay pasalaysay ng buhay ni Aliguyon, Buhay ni Bugan, at iba pang mga bayaning tauhan ng mga Ipugaw. Ang epiko ay kinasasalaminan ng mga kabihasnan ng mga Ipugaw . Kasama rin ditto ang tungkol sa pagkakalikha ng daigdig ayon sa paniniwala ng mga Ipugaw.Sinasabing hanggang sa kasalukuyan ay narinig na inaawit pa ang ilang bahagi ng epikong ito sa mga lugar na maynakasasaulo pa ng mga bahagi nito.Mahaba ang epikong ito sa kabuuan.Gugugol dawn g higit sa dalawang oras kung bibigkasin nang tuluy-tuloy ang Hudhud.

Si Dr. Beyer, isang iskolar ay nagsabi na ang Alim ng mga Ipugaw ang pinakamatandang epiko sa Pilipinas. Higit na makarelihiyon ito kaya ito ang inaawit sa mga okasyong nauukol sa relihiyon tulad ng Uyauy, isang pagdiriwang na mayayaman lamang na Ipugaw angnakapagbibigay. Ang paksa ang Alim ay nakakatulad na Ipugaw ang nakapagbibigay. Ang paksa ng Alim ay nakatutulad daw ng Ramayana ng India na nauukol sa buhay ng mga bathala at kataka-takang pangyayari sa ipinalalagay na langit ng mga Ipugaw. Isa sa mga salaysaying napapaloob sa Alim ay ang tungkol sa Pundoldapan, ang diyos ng pag-aani ng mga Ipugaw.

Ang awit at korido ay mga tulang pasalaysay na paawit kung bigkasin. Ang tagpuan ng mga pangyayari ay sa ibang bansa. Ang tema ay pinagsama-samang romansa, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan.

Magkaiba ang awit at korido sa anyo at sukat. Ang awit ay may labindalawang pantig sa bawat taludtod samantalang ang korido ay may walong pantig lamang sa bawat taludtod. Ang bayaning tauhan ng koridp ay nasasaniban ng kapangyarihang kababalaghan samantalang ang bayaning tauhan sa awit ay walang kapangyarihang kababalaghan kaya higit na makatotohanan kaysa korido. Ang awit ay binibigkas/ inaawit nang mabagal samantalang ang korido ay binibigkas / inaawit nang mabilis. Ang awit at korido ay tinatawag ding buhay. Nahahati ang mga awit at korido sa dalawang pangkat.

1. Yaong mga hindi alam kung sino ang may-akda kaya tinatawag na mga salaysaying bayan.

2. Yaong sinulat ng mga tiyak na makata na hinango sa mga salaysaying nadala dito ng mga dayuhan tulad ng mga sinulat nina Jose de la Cruz at iba pang makatang kapanahon niya.

Maibibigay na halimbawa ng korido ang “ Ibong Adarna” , Rodrigo de Villas, Historia Famosa de Bernardo Garpio at ang “ Florante at Laura” naman ni Balagtas ang halimbawa ng awit.

Naging popular ang awit at korido noong panahon ng Kastila dahil sa paghihigpit ng sensura sa Pilipinas. Ginagamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyon ang awit at korido sa pagbibigay ng aral.

Ang mga sumusunod ang nilalaman ng mga awit at korido:

1. Imbokasyon
2. Paghingi ng paumanhin
3. May isang matanda na siyang sumusubok ng katangian ng tauhan
4. May hinahanap ng lunas
5. May kababalaghan/ engkanto o milagrong nagaganap

2. Tulang liriko/ pandamdamin. Kilala rin ito sa tawag na tulang paawit. Ang tawag na liriko ay buhat sa salitang Griyego na ang kahulugan ay tulang

inaawit sa saliw ng lira. Ang mga tulang liriko ay pagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o kaya ay likha ng mayamang guniguni ng makata ngunit batay o hango rin sa isang karanasan. Sa ilalim ng uring ito ay mababanggit na halimbawa ang mga:o pagpuri

a. Kantahin o awitin. Mga taludtod na may sukat at tugma na inilalaan para awitin.

b. Soneto. Tula itong may mga saknong na binubuo ng labing apat na taludtod.

c. Elihiya. Tula itong nagpapahayag ng panimdim at pagkalumbay sanhi ng pagkamatay ng isang minamahal sa buhay

d. Oda. Ito ay tula ng paghanga o pagpuri sa isang tao o bagay na nasusulat sa masining na pahayag

e. Dalit. Ito ay awit ng papuri sa Panginoon o Mahal na Birhen na bahagyang nagtataglay ng pilosopiya sa buhay

f. Pastoral. Tula itong naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid.

3. Tulang pandulaan/ pantanghalan. Ang mga tulang pandulaan ay ginagamit sa

pagtatanghal ng mga dula. Ang usapan ng mga

gumaganap sa dula ay parang patula.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga tulang pandulaan.

1. Karagatan. Tungkol sa alamat ng singsing ng isang dalaga na inihulog sa dagat sa hangaring mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinahamon ng dalaga ang mga binata na lumiligaw sa kanya na sisirin at hanapin ang singsing at kung sinuman ang makakuha ay pakakasalan niya. Sa simula ay may tutula habang pinaiikot ang isang lumbo na may tandang puti at kung kaninuman matapat ang tandang puti kapag huminto sa pag-ikot ang lumbo, ay siyang makikipag-usap at sasagot sa mga patalinghagang tanong ng dalaga.

2. Tibag. Isa itong pagtatanghal tungkol sa paghahanap ng krus na pinagpakuan kay Kristo na ginagampanan nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Namalasak ang dulang ito noong panahon ng Kastila nang kasalukuyang pinalalaganap ang Kristyanismo. Ang salitaan ay patula. Ginagawa ito nang paprusisyon sa pook na pagdarausan. Gumagawa ng mga bunduk- bundukan ang mga namamahala ng dula. Ang mga bundok na ito ay tinitibag nga mga nagpuprusisyon na nagmula sa simbahan. Tinitibag ang bawat bundok na madaanan sapagkat pinaghahanap nila ang krus na pinagpakuan at kinamatayan ni Kristo. Sa huling bundok na titibagin ay makukuha ang krus. Pagkakuha sa krus ay babalik na muli sa simbahan ang prusisyon upang ilagak doon ang relikyang ( krus) na nahukay sa

bundok.

3. Duplo. Isang uri ng laro na nagtatanghal ng madulang pagtatalo sa paraang patula. Karaniwang nilalaro ang duplo sa mga lamayan kung may mamamatay. Sa bakuran mismo ng namatayan ito ginagawa. Ginamit din ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng Kristyanismo. Ang mga manlalaro ng duplo ay isang hari, isang pangkat ng mga kabinataan at isang pangkat ng mga kadalagahan. Ang mga dalaga ay tinatawag na bilyaka at ang mga kabinataan ay mga bilyako.Bago simulain ang laro, ang mga manlalaro ay nagdarasal ng Ama Namin.

Hawak ng Hari ang isang tsinelas o kotso na siyang gagamitin sa pagpaparusa sa mga kalahok na mapatutunayang nagkasala. Pagkatapos na magdasal ng Ama Namin, ang Hari ay magsasabing may nawawala siyang isang ibon o kulasisi. Isang bilyako ang magsasabi na ang kumuha ay isang bilyake. May magtatanggol sa bilyakang pinagbibintangan. Sa bahaging ito ay magsisimula ang patulang pagtatalo. Pag natalo ang nagtanggol sa bilyake, ang bilyako ay papaluin sa palad ng kotse ng Hari. Ang parusang pagpalo ng kotso sa palad ay tinatawag na plataryo.

Ang bahagi kung saan nagkakaroon ng mainitang pagtatalong patula ay tinatawag na Sakdal at Parusa.

Ang karaniwang nilalaro sa ikasiyam ng gabi pagkatapos mailibing ang namatay. Ito ay ginagawang pang-alis ng pagkabagot o pagkainip ng mga taong nagdarasal at naglalamay. Kung noong una ang duplo ay sinisimulan sa pamamagitan ng pagdarasal, nang lumaon ito ay naging madulang pagtatalo sa paraang patula na kinalugdan ng mga manlalaro hanggang ang pagdarasal ay naging pangalawa na lamang at ginagawa na lamang sa katapusan.

Ang mga manlalaro ng duplo ay tinatawag na duplero. Ang gumaganap na

Hari ay duplerong iginagalang nang higit at siyang inaakalang pinakamatalino sa lahat ng mga duplero.

Ang tiyak na tauhan ng duplo ay ang mga sumusunod:

Hari ---- dumirinig sa mga sumbong

Reyna --- kasama ng Hari sa paglilitis

Duke o Konde --- mga tagapayo

Berdugo --- tagahatol

Bilyako --- kalalakihang kasali sa laro

Bilyaka --- kababaihang kasali sa laro

Embahador --- dayuhang duplero

4. Panunuluyan o Pananapatan. Isang uri ng prusisyong ginaganap kung bisperas ng Pasko. Ipinakikita sa dula ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen na magsisilang kay Hesus. Ang mga gumaganap ay ang Birheng Maria at si San Jose. Ang usapan sa pagtatanghal aypaawit. Nagsisimula ang prusisyon sa simbahan at dadaan sa mga lugar na may mga bahay n napapalamutian. Sa mga bahay na ito kakatok sina San Jose at ang Birheng Maria at makikiusap na sila ay patuluyin subalit ang mga may-ari ng bahay ay magsisitanggi at magbibigay ng mga dahilan. Sapagkat wala silang matuluyan, ang Birhen Maria ay nagsilang sa isang kabalyarsa o sabsaban.

5. Panubong. Isang dula ito na kung saan ay isang mahabang tula ang binibigkas nang paawit. Ginagawa ito bilang pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan. Ang salitang panubong ay kasing kahulugan ng salitang pamutong sa Tagalog na ang ibig sabihin ay lalagyan ng putong o koronang bulaklak ang dalagang may kaarawan. Karaniwang ang gumagawa nito ay mga binata na kung tawagin ay manunubong. Ito ay may tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang pag-awit ng mga binata sa tarangkahan pa lamang ng bahay ng dalagang may kaarawan. Sa ikalawang bahagi ay ipinagpapatuloy ang pag-awit sa may hagdanan. Hindi sila tutuloy kung hindi sila patutuluyin ng mga bahay. Ang ikatlong bahagi ay ang pag-awit na sa loob ng bahay. Pinupuring dalagang may kaarawan na nakaupo sa isang silya sa gitna ng bahay na pinuputungang koronang yari samga sariwang bulaklak. Habang pinuputungan, ang mga manunubong ay umaawit samantalang sa harap ng dalaga ay may sumasayaw. Kasabay nito ang sabuyan ng mga bulaklak at mga barya.

6. Senakulo/Cenaculo. Dulang nagpapakita ng buong buhay ni Hesukristo. Ang usapan ng mga tauhan ay patula. Dalawa ang uri ng senakulo: Hablada kapag ang usapan ay hindi paawit, sa halip ay tinutula. Cantada naman kung ang usapan ay paawit. Higit na mahaba ang cantada kaysa hablada. Ang pagtatanghal ng cantada ay inaabot ng tatlong gabi samantalang ang hablada ay isang gabi lamang.

7. Sarswela. Isa itong dulang musical o isang melodramang may tatlong yugto na ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho, paghihiganti, pagkasuklam at iba pang uri ng damdamin. Ang inilalalarawan sa dula ay buhay Pilipino na siyang ikinaiiba nito sa Moro-moro. Ang kasuutang ginagamit ng mga nagsisiganap sa dula ay kasuutang Pilipino.

No comments:

Post a Comment